biglang bumigat yung feeling ko :((

may kasalanan nanaman ba kong nagawa? :(

Happy

Wooooh. Ansaya ng araw na ‘to. Sana lagi na lang ganito, yung walang pinoproblema, yung hayahay lang. Haaay bukas balik sa katotohanan na ang lahat. Balik na sa normal class.. Tapos nag-iba pa yung schedule namin :3 haaays pero bago bumalik sa realidad bukas, magkukwento muna ko tungkol sa nangyari kahapon pati ngayon :D

mabaitnagwapopa:

yung di ako makarelate sa mga pinaguusapan ng section ko kahit tinatry ko

same here haay

magugulat na lang kayo isang araw… wala na pala ko =))

I give up

Hindi ko na i-eexplain yung sarili ko kahit kanino. Bahala na silang umintindi sakin. Lagi naman silang nagcoconclude tungkol sakin eh. Pwes bahala na sila. Hindi ko kailangan i-explain ang side ko sa kanila. 

I’m so freaking tired

Sawang-sawa na ako. Lagi ko na lang pinapaliwanag yung sarili ko sa ibang tao. Ayaw ko na.. Nakakapagod ipaliwanag at ipaintindi sa iba yung nararamdaman mo, yung gusto mong gawin, yung totoong ikaw.. Lagi ko na lang silang iniintindi, lagi na lang ako nag-aadjust.. Hindi ba pwedeng ako naman yung intindihin? Hindi ba pwedeng sila naman yung mag-adjust para sa akin? Haaaaay hindi pwedeng kahit minsan lang makiramdam naman sila? Nakakaasar na kasi eh. Paulit-ulit na lang palagi. Nagmumukha na kong sirang plaka. Nakakasawa na. Malalaki naman na sila, alam naman na nila kung ano ang tama sa mali pero bakit ginagawa pa din nila ang mali ng paulit-ulit? Akala ko ba okay na? Bakit hindi ko naman maramdaman na okay na.. Siguro sadyang OA lang ako.. baka nga. Siguro nasa akin ang problema. Masyado ko lang pinapalaki, masyado ko lang pinoproblema kahit di naman talaga dapat problemahin. Sorry na. Ganito ko eh, hindi ko naman din gusto ‘to. Haaaaay (time machine please! back to pre elem huhu)